ni Jimi Escala

SA kauna-unahang pagkakataon sa telebisyon, ngayon lang may bride na lalakad papuntang altar na itim ang suot na wedding gown. Mangyayari ito sa Miyerkules (August 9) sa Wildflower na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Nakatakdang ikasal si Maja (Ivy Aguas) kay Arnaldo Ardiente Torillo (RK Bagatsing).

Ayon kay Sunshine Cruz, na isa sa cast, nang makausap namin, hindi dapat palampasin ng lahat ang mga magaganap sa kasalang ito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Maja Salvador
Maja Salvador
Lahat naman daw ng babae ay nangarap na maging engrande ang kasal na eleganteng white wedding gown ang suot. Pero kakaiba ang traje de boda ng bida ng serye.

“Dapat talaga nilang panoorin ang Wildflower. Huwag silang kumurap at tutukan nila ang bawat eksena sa Miyerkules dahil pasabog ito,” pagmamalaki ni Shine.

Galing raw ang ideya sa dapat na isuot ni Maja sa mismong business unit head na si Direk Ruel Bayani kasama ang creative team ni Willy Laconsay at ang headwriter ng show na si Carmela Abaygar.

Lahat din daw ng kasama sa wedding entourage ay naka-off white na gown kasama na si Aiko Melendez. Sina Tirso Cruz III, Wendell Ramos at ang groom ay pawang Barong Tagalog na disenyo ni Neric Beltran,

Sinasabing “Wildflower’s Wildest Wedding of the Year” ang mapapanood ng lahat sa Miyerkules, huh!

Samantala, sinabi ni Maja sa latest interview namin sa kanya na na-in love siya nang husto sa character niya sa Wildflower kaya ibinibigay niya ang kanyang 100%sa show.

“I am giving may one hundred percent, there is really nothing you cannot do even if it’s really hard. I love the show very much,”sey ni Maja.