Ni NITZ MIRALLES

MAY ipinost si Angelica Panganiban sa Instagram na picture nila ni Judy Ann Santos, hindi lang namin alam kung bago o pagkatapos ng story conference ng pelikula nilang Ang Dalawang Mrs. Reyes na ididirihe ni Jun Lana sa Star Cinema.

ANGELICA JUN LANA AT JUDY ANN copy copy

Puwede ring sa look test ang photo nila dahil iba ang damit nila sa suot nila sa storycon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sabi ni Angelica sa photo nila ni Judy Ann: “Ang Dalawang Mrs. Reyes with ate @officialjuday hindi ako makapaniwala na mangyayari ito sa talambuhay ko. Thank you for today ate!!! Lab u!”

Sumagot si Judy Ann ng, “Love you, sweetie. Masaya ito. Handa ka na ba @iamangelicap.” Sumagot naman si Angelica ng, “Ako, oo. Ewan ko sila.”

Wala pang in-announce ang Star Cinema na magiging leading men nina Judy Ann at Angelica. May narinig lang kaming pangalan ng aktor na makakasama ng dalawa at kung alam na ng aktor ang tungkol dito, taimtim siguro itong nagdadasal na sana ay matuloy ang pagkakasama niya sa cast at makapareha ang isa kina Judy Ann at Angelica.

Co-production ng Star Cinema, Quantum Films at The IdeaFirst Company nina Direk Jun at Direk Perci Intalan ang Dalawang Mrs. Reyes. Ang sabi, next week na ang shooting ng pelikula at may mga eksenang kukunan sa Taiwan.