NI: Light A. Nolasco

GAPAN CITY, Nueva Ecija - Dalawang drug personality ang nadagdag sa humahabang talaan ng mga napapatay sa Nueva Ecija dahil sa droga.

Sa ulat ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan City Police, sa tanggapan ni Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) director Senior Supt. Antonio C. Yarra, kinilala ang isa sa mga napaslang na si Saldamen Bautil Aragon, alyas “Muslim”, ng Quiapo, Maynila; habang hindi pa nakikilala ang isa pang biktima naman ng summary execution.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 3:00 ng umaga nitong Martes nang mapatay si Aragon sa buy-bust operation sa Barangay Bayanihan sa Gapan, at umano’y makumpiskahan ng isang .45 caliber pistol, walong pakete ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Dakong 12:10 ng hatinggabi naman nang madiskubre ng mga taga-Bgy. Parcutela ang salvage victim na nakasuot ng maong shorts, nababalutan ng masking tape ang mukha, at nakagapos ang mga kamay.