Ni ADOR SALUTA

SA panayam kay Kris Aquino sa isang event sa Shangri-LaThe Fort, Global City last July 27 para sa partnership niya at ng Iflix, naitanong sa former presidential daughter/sister ang pinagdadaanan ng kanyang kapatid na si former President Benigno “Noynoy” Aquino III.

KRIS copy

Sagot ni Kris, he’s brother is going through a tough time dahil sa kinasuhan ito ng usurpation of authority and graft by the Office of the Ombudsman dahil sa naganap na Mamasapano massacre sa Mindanao na ikinamatay ng 44 na pulis na member ng SAF noong January 2015.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ang pahayag niya tungkol sa current state of mind ng dating Pangulo: “I’m sure that he’s human, di ba? Kahit sino, di ba, meron kang dadalhin na ano... pero matatag siya, eh.

“And I think lahat na puwede mong pagdaanan as a leader and post presidency, napagdaanan na niya. And alam ko rin talaga, na one hundred percent ako naniniwala na he won’t only survive this, he’ll triumph over this,” ani Kris.

Nakahinga na raw ng maluwag ang pamilya nila sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa kasong kinasasangkutan ni Noynoy, ang Mamasapano’s SAF 44 massacre. Tila ‘di sang-ayon si Digong na madawit si Noynoy sa kaganapan.

“I think malaking tinik ang natanggal — for me, ha, I’m speaking personally — nu’ng nagsalita si President Duterte na as a president, sinasabi niya na hindi culpable ang kapatid ko nu’ng panahong iyon.

“Pero hindi natin alam. But everyday, may extra dasal lang.”

Batay sa report sa Bandila ng ABS-CBN nitong mid-July, ang sinabi ni Pangulong Duterte hinggil sa isinampang kaso laban kay ex-President Aquino, “Bugok ‘yung nagdesisyon. Siguro other damages but not criminal.”

Dagdag pa ni Pangulong Duterte , “He was not usurping. He did not took an oath there and said, ‘I am assuming.’ Wala man. He was just being consulted. Kaya ‘yung charge kay Aquino will fail.”

Sabi pa rin ni Kris, buo ang suporta ng kanyang mga kapatid na sina Ballsy, Pinky, at Viel sa mga pinagdadaanan ni ex-PNoy.

“I think when you’re the only boy in the family, you don’t want your sisters to worry. So you shield your sisters.

And bilang kapatid naman, you don’t want to ask questions that will add na pampabigat pa. All you can do really is to pray and to believe in the truth,” sey ni Kris.

“Buo ang prinsipyo namin,” pahabol pa niya.