Ni: Fer Taboy

Napatay ang isang hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) sa opensiba ng militar sa Kibawe, Bukidnon, iniulat kahapon.

Ayon sa report ng Kibawe Municipal Police, nangyari ang engkuwentro sa Sitio Gape sa Barangay Liwanag, Kibawe, Bukidnon.

Nakasaad sa ulat ni 1Lt. Norman Tagros, ng 403rd Civil Military Operations, na umabot sa mahigit 20 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng 1st Special Action Force at ng mga rebelde.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Narekober sa lugar ng engkuwentro ang apat na rifle grenade, isang landmine (improvised explosive device), bolt assembly ng M16 rifle, at one-time delay fuse.

Nakita rin ng mga sundalo sa lugar ang mga nagkalat na mga subersibong dokumento, mga gamot, at mga pagkain.