Ni NORA CALDERON

NAIIBA’T hindi tipikal na beauty contest ang inilunsad last Saturday sa Eat Bulaga, ang Miss Millennial Philippines 2017.

Ipinakilala na nila ang 38 candidates na nagmula sa iba’t ibang probinsiya at siyudad sa bansa para suportahan at pabonggahin ang lokal na turismo. Isa ito sa sorpresa ng longest running noontime show sa kanilang pagdiriwang ng 38th anniversary.

MISS MILLENNIAL CONTESTANTS AT 'EB' DABARKADS copy

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Kinagabihan ginawa ang media launch sa 38 candidates sa dinner sa Concha’s Garden Cafe sa Quezon City, hosted by Ms. Ruby Rodriguez at Luanne Dy.

Ayon kay Ms. Jenni Ferre, ang creative o think-tank head ng Eat Bulaga, hindi kailangan ng contestants na perfect ang kanilang vital statistics o ang height nila na kinakailangan sa mga ordinaryong beauty contest, pero ang mga kandidata nila ay pawang beauty queens din sa kani-kanilang probinsiya at siyudad.

“First time ito na pagsasama-samahin ang mga beauty queens na hindi napapansin na ang lalaki ng mga beauty pageants na ginagawa nila pero hindi nakikilala (nationwide) ang winners,” sabi ni Jenni. “Pero dito ang makakasali lang ay kung in-endorse sila ng tourism office sa kanilang province o city at kung may approval din sila ng kanilang local government. Hindi kasi kami puwedeng pumasok sa mga bayan nila na hindi nagpapaalam sa local government nila at kung ano ang dahilan ng pagpunta namin doon.

“Sa beauty contest na ito, involved ang social media, at ang foremost na gagawin ng bawat candidate, kung paano nila ipakikilala ang kanilang lugar, kung ano ang gagawin nila sa pamamagitan ng paggamit nila ng Twitter, Facebook at Instagram, para magkaroon ng interest ang ibang tao mula sa iba’t ibang bayan o city para bisitahin ang kani-kanilang lugar, para tingnan ang magagandang views, matikman ang kanilang exotic food at ang mga kaugalian nila na maaring hindi pa alam ng ibang mga tao. Gagawa sila ng presentations kung paano nila ipakikilala ang lugar na pinanggalingan nila.

“Pero magkakaroon din ng formal pageant night. Kung ngayon ay gusto muna naming maging millennial din ang mga ayos at outfit nila, dahil ang youngest candidate is 17 at oldest ay 24 years old, magsusuot din sila ng mga long gowns sa pageant night. Magkakaroon din ng cultural night, talent night. Tatanggap ang winner ng P500K, a condominium unit from Bria, plus a 2017 Mitsubishi Montero car.

“May special award din kaming ibibigay, ang Miss Bayanihan Queen kahit hindi siya umabot sa top 10. Kailangan lamang suportahan siya ng mga kababayan niya at ng local government, sa pamamagitan ng pagbabayanihan. Kung sino ang mananalo, ang kanyang lugar ay tatanggap ng one million pesos para ipagpa-improve ng kanilang lugar at siya man ay tatanggap din ng Php 100k.

“Lahat ng gastos ng bawat candidate, mula sa outfits nila, transportation, accommodations kapag narito sila sa Manila, sagot lahat ng Eat Bulaga. Mayroon kasi kaming nakausap na ayaw sumali dahil wala silang gagastusin, kaya nagpasya ang EB na sagutin lahat ng gastos nila. Iku-consider din namin kapag nagsimula na ang contest ang schedules ng mga nag-aaral pang contestants para hindi ito maapektuhan.”

Posible bang mapasali sa Dabarkads ang mananalo?

“We are looking for potentials, kasi alam naman ninyo kung anu-ano ang culture na umiiral ngayon sa Eat Bulaga, sinusuportahan namin kapag may talent talaga at makakapagpasaya sa mga kababayan natin.

“Kapag nagsimula na ang contest, bawat araw, isang candidate lang ang ipakikilala kaya hindi pa rin maaapektuhan ang regular segments ng Eat Bulaga,” sabi pa ni Ms. Jenni Ferre.