Ni: Mary Ann Santiago
Hindi dapat mahiya ang mga mananampalataya na humingi ng tulong sa Panginoon.
Ito ang naging mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Misa ng Bayan, sa pagbubukas ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE4) na may temang “One Heart, One Soul”.
Ipinagdarasal din ng cardinal na ang bawat isa ay maging tulad ng isang bata na umaasa sa kalinga ng kanilang magulang at sa kapwa.
“Pag-amin na kailangan natin ng tulong. Sa panahon natin ngayon gusto ng tao maging self sufficient na hindi kailangan ang Diyos. Ayaw umamin na hindi kaya. Ang pagiging marupok na kailangan ko ang iba; at sa paghahari ng Diyos, ganoon ang hinihingi; tanggapin ko marupok ako, tanggapin ko kailangan akong umasa sa Diyos, at sa kapwa, dahil hindi ko kaya lahat,” bahagi ng sermon ng Cardinal.