LOS ANGELES (AP) – Hindi na makalalaro si Novak Djokovic sa buong 2017 season, kabilang ang prestihiyosong US Open, bunsod nang injury sa kanang siko.

Bunsod ng desisyon, naputol ang 51 sunod na pagsabak ng Serbian star sa Grand Slam tournament.

“It is the most important for me to recover, to be able to play injury free for as long as possible, to compete in the sport that has given me so much, the sport I love,” pahayag ni Djokovic.

“Of course I want to return to the winning form, to win again, to win the trophies. But now it is not the time to talk about it. At this point, I’m focusing on recovery.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bago ang desisyon, hindi pa nagmimintis si Djokovic sa pagsabak sa major tournament mula nang 2005 Australian Open.

Ito ang ikatlong ‘longest active run’ sa hanay ng kalalakihan at ikapito sa kasaysayan ng Tour.

Tangan ng 30-anyos ang 12 Grand Slam titles, kabilang ang U.S. Open noong 2011 at 2015.

“The remarkable series has come to an end. My body has its limits, and I have to respect that and be grateful for all that I have achieved so far,” pahayag ni Djokovic.

Huling naglaro si Djokovic sa Wimbledon quarterfinal nitong Hulyo 12 at nasibak ni Tomas Berdych dahil sa injury.