NI: Rommel P. Tabbad

Nagbabala kahapon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan ang malakas na pag-ulan sa Southern Luzon ngayong Miyerkules, bunsod ng namataang low pressure area (LPA) malapit sa Catanduanes.

Paliwanag ni Alczar Aurelio, weather specialist ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 630 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Ayon sa kanya, uulanin din ang ilang bahagi ng Eastern Visayas.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Magkakaroon din ng thunderstorm sa iba pang bahagi ng bansa, lalo na ang mga nasa western section, na apektado ng hanging amihan.

Mino-monitor pa rin ng PAGASA ang LPA dahil sa posibilidad na maging bagyo ito.