Ni JIMI ESCALA

NAGALIT daw si Willie Revillame nang may pangalan ng isang studio audience na dalawang beses nabunot para maging contestant sa dalawa ring game segments ng Wowowin.

Kumbaga, dalawang beses naghulog ng pangalan ang nasabing studio audience.

WILLIE copy copy

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Siyempre, kahit sino pang main host ng programa ay ikagagalit ang ganitong sitwasyon. Pero hindi naman daw nahalata ‘yun ng studio audience dahil parang nangangaral lang si Willie sa mga tauhan niya at pati na rin sa supporters niya.

Binanggit ni Willie na sa lahat ng ayaw niya ay ‘yung pandaraya. Pero medyo lumakas na ang boses niya kaya nakaramdam na ang lahat na nagalit nga ang TV host/komedyante.

Lahad pa ni Willie, ang show nila ay handog niya sa mahihirap. Iniisip nila kung paano niya pasasayahin ang viewers at kasama na rin ang pagbibigay niya ng pag-asa na makapagbabagong-buhay ang mga ito. Kaya hindi niya papayagan na may dayaang mangyayari sa Wowowin.“

“Parang ‘pag bumoto ba ako ngayon, eh, boboto pa ba ako ulit mamaya? Pasensiya na, hindi ko na p’wede bunutin ‘yan.

Baka meron pang ibang pangalan d’yan, unfair naman sa iba,” sey pa ni Willie. 

Nilinaw pa ni Willie na kailangan niyang proteksiyunan ang studio audience niya kaya hindi siya makapapayag na may maaagrabyado lalung-lalo na ang mahihirap na talagang nagtitiis na pumipila ng maaga. 

Samantala, may nagparating sa amin na lider ng isang grupong may ilang beses na rin naman nabigyan ng pagkakataon na makasama ang grupo nila bilang studio audience. 

Ayon sa kausap namin ay tumataginting na sampung libo ang ibinibigay na pamasahe pauwi sa kanila ni Willie. Ang masaklap daw ay may nag-aabang sa kanila na tila nanghihingi ng komisyon na isang libo at limandaang piso (P1,500).

Dapat ding mag-ingat ang nanghihinging ito ng komisyon, lagot ka kay Willie kapag nahuli ka.