Ni NORA CALDERON

MONTH-LONG ang celebration ng Sunday Pinasaya, pero ayaw magkuwento ni Rams David ng APT Entertainment kung ano ang mga mapapanood sa top-rating Sunday noontime show ng GMA-7 sa mga susunod na linggo. Basta marami raw silang inihahandang bago para sa kasiyahan ng kanilang mga tagasubaybay.

BARBIE AT KEN CHAN copy copy

Wala ring maikuwento si Barbie Forteza na labis-labis ang pasasalamat sa ibinigay na pagkakataon sa kanya na i-impersonate si Ms. Kris Aquino sa segment nilang “Star Buzz” with Ai Ai delas Alas at Wally Bayola.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Noong simula raw naba-bash siya sa social media, pero hindi naman niya pinapatulan dahil pinag-ukulan niya ng panahon ang pag-aaral sa pagsasalita ni Ms. Kris at kinakarir din niya ang pagsusuot ng yellow gowns na requirement sa kanyang character, at wala naman daw violent reaction ang Queen of All Media sa ginagawa niya. Wala nang namba-bash sa kanya ngayon, at sa katunayan nami-miss pa tuloy siya kapag wala ang segment nila.

Pahinga muna sa teleserye si Barbie para mag-concentrate sa paggawa ng pelikula na nami-miss na niya. Ang huli pa niya ay ang Tuos na nagpanalo sa kanya ng Best Supporting Actress. Nag-story conference na sila para sa This Time I’ll Be Sweeter sa Regal Films na sinundan ng look test nila ng kanyang leading man na si Ken Chan. Naka-schedule na ang first shooting day nila with Direk Joel Lamangan sa Friday, July 28.

Since maluwag-luwag ang schedule ni Barbie after ng sunud-sunod na taping ng katatapos na rom-com series nilang Meant To Be, humingi siya ng bakasyon.

“More than one year kaming nag-taping ng Meant To Be after ng That’s My Amboy rom-com with Andre Paras, kaya sunud-sunod ang trabaho ko,” sabi ni Barbie. “Ngayon po sinabihan kaming mag-rest muna ng three months para bigyan naman ng chance iyong ibang GMA talents na magkaroon ng projects.

“Masaya naman po ako dahil p’wede akong mag-concentrate muna dito sa This Time I’ll Be Sweeter at dito sa Sunday Pinasaya. Nakahingi rin ako ng bakasyon sa GMA para birthday gift ko sa sarili ko. Wala na po akong birthday party sa July 31 when I turn 20. Pero sa August 14 pa ako aalis for Chicago. Mag-isa lang po akong magta-travel papunta sa sister ko na naka-base na roon. Magsa-side trip kaming magkapatid sa New York City. Ten days po ang vacation ko. Kaya pagbalik ko, magri-resume na kami ng shooting ng This Time I’ll Be Sweeter.”

Walang anumang kaba o takot sa mag-isa lang na pagbibiyahe si Barbie, katunayan ay excited na siyang umalis.