Ni: Chicago Tribune

MAHIGIT 90 katao ang naospital sa kasagsagan ng concert ni Chance the Rapper sa Connecticut nitong nakaraang Biyernes, ayon sa mga awtoridad.

Chance the Rapper copy

Isinugod sa ospital ang karamihan sa kanila dahil sa labis na kalasingan.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Ayon kay Hartford Deputy Chief Brian Foley nitong Sabado, umabot sa 50 menor de edad ang iniulat ng mga opisyal sa Hot 93.7’s Hot Jam concert sa Xfinity Theater. Halos lahat sa mga ito ay kinasuhan at inutusang magpakita sa korte.

Ang ilan sa mga inaresto ay sa mismong concert hinuli.

Ang mga manonood ay binubuo ng kabataan at early 20s, pahayag ni Foley. “Extremely prevalent,” ang tailgating, partying at sobrang pag-inom ng alak sa naturang konsiyerto.

Dagdag pa ni Foley, ang karamihan sa mga isinugod sa ospital ay mga menor de edad sanhi ng “severe intoxication.”

Sinabi ni Hartford Fire Capt. Raul Ortiz sa The Hartford Courant na maraming pasyente ang kinailangang dalhin sa ibang ospital sa labas ng Hartford para gamutin.

Isang 19-year-old ang iniulat na may blood-alcohol content na halos 0.5— walong ulit na mas mataas kaysa legal na limitasyon para makapagmaneho. Iniulat ni John Brancato, assistant director sa pediatric emergency department sa Connecticut Children’s Medical Center sa Hartford, sa pahayagan na dinala sa intensive care unit ang naturang disinuwebe anyos para sa close monitoring.

Kabilang sina Kyle, PnB Rock at ANoyd sa mga nagtanghal sa concert.

Tinatayang 21,000 katao ang dumalo sa pagtatanghal, dagdag pa ni Foley.