KABUL (AFP) – Patay ang 24 na katao at 42 iba pa ang nasugatan nang banggain ng isang kotseng may kargang pampasabog ang bus na sinasakyan ng mga empleyado ng pamahalaan sa kanluran ng Kabul kahapon.

‘’The car bomb hit a bus carrying employees of the ministry of mines during rush hour,’’ sinabi ni interior ministry spokesman Najib Danish sa AFP.

Wala pang militanteng grupo na umaako sa pagpapasabog, ngunit nangyari ito kasabay ng umiigting na pag-atake ng Taliban sa bansa nitong mga nakaraang araw. Ilang bagong distrito ang nakubkob ng mga militante nitong weekend.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo