Ni DINDO M. BALARES

WALANG makakapigil kapag nakatadhanang sumikat ang isang artista.

Tulad ni Gabbi Garcia na itinuturing na ngayong prime artist ng GMA Artist Center, hindi na sa showbiz lang siya gumagawa ng pangalan kundi maging sa fashion industry. Simula nang gumanap bilang Sang’gre Alena sa Encantadia, naging paborito nang cover girl at product endorser si Gabbi – sa edad na 18.

GABBI_option copy copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Agad siyang kinuhang Asian ambassadress ng international hair product na sa ibang bansa pa kinunan ang TV commercial.

Sa July 29, lilipad naman siya patungong Nice, France para sa pictorial ng kauna-unahang Mega Style cover ng Mega magazine. Dati lang na digital publication ang Mega Style na pinag-aralan nang husto ang paglalathala ng kanilang first ever print copy. At para sa kanila, walang ibang nababagay para maging cover girl kundi si Gabbi.

Bukod sa pictorial, kukunan din si Gabbi ng 45-minute documentary at 3-minute fashion film ng Emmy-award-winning director/producer na si Mike Carandang

“This is going to be my first time in France, so I’m very excited. Being handpicked by Mega is such an honor, and I can’t wait to try different looks for the magazine cover and enjoy this European experience,” masayang sabi ng young actress.

So, ano ang sekreto sa likod ng pagiging in-demand niya bilang cover girl?

“Doing my homework as an artist, keeping fit, staying true to myself and taking care if my looks by sticking to the beauty products that I trust like Gluta C and Pantene,” sagot ni Gabbi.

Sa ngayon, regular na napapanood si Gabbi sa Sunday Pinasaya.