Ni: Liezle Basa Iñigo

SAN FERNANDO CITY, La Union – Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na makakaranas ng siyam na oras na brownout sa walong bayan sa La Union at dalawa sa Pangasinan bukas, Hulyo 22.

Maaapektuhan ng brownout ang lahat ng consumer ng La Union Electric Cooperative, Inc. (LUELCO) sa mga bayan ng Caba, Aringay, Tubao, Agoo, Pugo, Rosario, Sto. Tomas, at Bauang (Urayong, Bagbag, Sta. Monica, Casilagan) sa La Union; at ang ilang bahagi ng San Fabian at Sison sa Pangasinan.

Sinabi ni Lilibeth Gaydowen, ng NGCP-North Luzon Corporate Communications, na mawawalan ng kuryente sa nabanggit na mga lugar simula 6:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon bukas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Bibigyang-daan ng power interruption ang pagmamantine sa mga pasilidad ng NGCP.