Ni NORA CALDERON

IPINAGKALOOB na ni Alden Richards sa Kapuso Foundation ang kanyang donation mula sa proceeds ng successful concert niyang Alden Richards: Upsurge na ginanap sa Kia Theater noong May 27. 

Alden with Mel Tiangco Kapuso Foundation copy

Tinanggap ito ni Ms. Mel Tiangco, founder & ambassador of GMA Kapuso Foundation, Ms.Rikki Escudero-Catibug, EVP & COO of GMA Kapuso Foundation. Kasama ni Alden si Rene Salta, general manager ng GMA Records, ang producer ng concert. 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

 

Ipinangako pala ni Alden na kapag naging successful ang kanyang first major concert, anumang proceeds na kikitain nila ay Kapuso Foundation ang magiging recipient nila.

Narinig namin sa video nang i-meet na sila ni Alden na ang donation niya ay gagamitin ng foundation para makatulong sa mga batang biktima ng iba’t ibang bagyo na sumalanta sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. 

Hindi na sinabi kung magkano ang halaga ng donation mula sa sold-out concert ni Alden. Pero labis-labis ang pasasalamat ng Kapuso Foundation sa lahat ng mga sumuporta at nanood ng concert sa kabila ng malakas na ulan nang gabing iyon na itinuring na isang blessing.

May chance ang mga hindi nakapanood nang live ng Upsurge concert ni Alden na mapanood ito dahil sa Sunday, July 23, sa SNBO (Sunday Night Box Office) sa GMA-7, pagkatapos ngKapuso Mo, Jessica Soho. Nakasama ni Alden sa concert ang guests niyang sina Raymond Marasigan, Jerald Napoles, Mark Herras, Kristoffer Martin, Rodjun Cruz, Migo Adacer at ang very special guest niyang si Maine Mendoza.