Ni: Reggee Bonoan

NAPALUHOD at napaiyak sa St. Paul The Apostle Adoration Chapel si Julia Montes pagkatapos ng meeting niya kay Mother Lily Monteverde kamakailan dahil sa VIP treatment na ibinigay sa kanya nang alukin siyang gumawa ng pelikula sa Regal Entertainment.

JULIA copy copy

Kuwento ng handler ni Julia na si Mac Merla ng Cornerstone, overwhelmed si Julia sa naging trato ni Mother Lily lalo na sa sinabi nitong, “Sa project na ito, ikaw ang bida at nag-iisa ka pa lang, ikaw na mamili ng gusto mong makasama sa movie.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Hindi raw inasahan ng aktres na nasa ganoong level na siya sa paningin ng Regal matriach, na may say na siya kung sinu-sino ang gusto niyang makasama o makatrabaho.

Oo nga naman, dahil bata pa naman si Julia at ang kadalasang inaalok ng ganito ay senior stars o superstars at gumawa na ng ingay sa movie industry.

“Kaya pagkatapos nu’ng meeting with Mother Lily, talagang nagsimba siya at umiyak sa pagpapasalamat, kuwento ni Mac.

“Kasi last year hindi niya halos alam kung ano’ng mangyayari sa kanya after Doble Kara, ‘tapos heto na-extend nang na-extend ‘tapos ang taas pa ng ratings.”

Ang Doble Kara ay kasalukuyang ipinalalabas sa tatlong bansa (Kenya, Nepal at Kazakshtan) na noong una raw ay isang season lang ang binili, pero dahil andaming followers ay binili na raw ang buong season.

Napakasaya rin ng aktres sa magandang balitang ito sa kanya ng ABS-CBN management. Kaya nagpapasalamat siya sa Dreamscape Entertainment sa project na ito.

Walong pelikula ang pinagpipilian ngayon ni Julia kung ano ang gagawin niya, may dalawang indie movie, dalawang movie with Regal, mayroon din sa Star Cinema, at mayroon din sa Reality Entertainment.