Ni NITZ MIRALLES

NAIBALITA rin sa international media ang pagpansin ni Justin Bieber kay Kim Chiu nang sabihin ni Justin na, “Chinita see you in the Philippines.” Dahil doon, nag-react si Kim na bibili na siya ng tiket para sa September 30 concert sa bansa ni Justin.

KIM copy

Nakarating kasi kay Justin ang exchange of convo nina Kim at Cacai Bautista kaya sinagot niya sa Instagram story rin si Kim at sinabi nga ang kinaiinggitan ngayon ng fans ni Justin na, “Chinita see you in the Philippines.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Na-feature sa In Style si Kim na ang nakasaad ay, “Everything you need to know about Kim Chiu, the actress Justin Bieber may see when he’s in the Philippines” at may kasama pang pictures nina Justin at Kim.

Saad naman ng Teen Vogue, “UM can I go?” at may litrato rin nina Justin at Kim.

Natuwa ang fans ni Kim na napansin siya ni Justin pati sa pagpansin din ng international media sa aktres. May nagbiro namang nagbunga ang effort ni Kim at happy sila na magkakaroon ng chance na magkita ang dalawa.

Galit naman ang fans ni Justin kay Kim dahil mas pinansin pa raw ni Justin ang dalaga na hindi naman talagang fan ng singer. Ang iba nga, umabot na sa panlalait kay Kim ang ginagawa dahil lang pinansin siya ng Canadian singer.

Anyway, nakabili na kaya ng tiket sa concert ni Justin si Kim? Tiyak na marami ang mag-aabang kung tutuparin nga ni Justin ang sinabing he will see Chinita ‘pag nasa Pilipinas na siya.