Ni: PNA
KAILANGANG tiyakin ng maliliit at malalaking negosyo na makaaagapay sa alinmang sitwasyon ang proseso nila sa mahahalagang pagpapasya upang matulungan ang mga awtoridad at ang mismong komunidad na maibsan ang mga panganib sa mga kalamidad.
Inihayag nitong Huwebes ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNISDR) na nakikipagtulungan ito sa mga kumpanya upang matiyak na nasasaklaw ng mga estratehiyang pangnegosyo ang pagbibigay-tuldok sa banta ng mga panganib, likas man o gawa ng tao.
“The private sector is taking an active role to reduce disaster risk across their value chain, whether it be across their organization assets, people, suppliers, customers or supply chain,” sabi ni Oz Ozturk, co-chairman ng UNISDR Private Sector Alliance for Disaster Resilient Societies, o ARISE.
“It’s good business and provides agility in being able to respond to rapidly changing market conditions,” sabi ni Ozturk, at idinagdag, “We have found the organizations and economies that benefit most are the ones which have made these strategic and operational decisions hand in hand with governments and communities.”
Ito, ayon kay Ozturk, ay dahil lahat ng partido ay nakapag-aambag ng kaalaman upang makatulong sa pagbibigay ng proteksiyon sa ecosystem at nagpapahintulot sa mas epektibong pagtugon sa pamumuhunan sa kahandaan sa kalamidad.
“Ultimately the investments across the value chain are relevant and sustainable,” ani Ozturk.
Marso 2015 nang pinagtibay ang pandaigdigang Sendai Framework for Disaster Risk Reduction, isang 15-taong plano upang maging mas handa ang mga bansa laban sa kalamidad.
Ito ang unang pangunahing hakbang sa pinalawak na 2030 Agenda for Sustainable Development.
Sa Sendai Framework, tungkulin ng mga pamahalaan sa magpatupad ng reporma, ngunit kakaiba ito sa mga karaniwang pandaigdigang kasunduan dahil sinasabi rito na may partikular ding mga obligasyon ang bawat nakikibahagi, ayon sa UNISDR.
Partikular na tinutukoy dito ang pribadong sektor.
Layunin ng ARISE na mapaigting ang kahandaan ng mga negosyo at himukin ang tamang desisyon sa pamumuhunan na nagkokonsidera sa mga panganib na hatid ng mga kalamidad.
Makatutulong ito sa pribadong sektor upang tumupad sa tungkulin na isakatuparan ang Sendai Framework hanggang sa 2030, ayon sa UNISDR.