Ni REGGEE BONOAN

INI-REVEAL ni Direk Theodore Borobol na tumanggi siya nang unang ialok sa kanya ang ikaapat na pelikula nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz movie dahil natakot siya na baka hindi kumita.

“Sobrang hindi po ako makapaniwala nu’ng una, sabi ko nga, ‘totoo ba ito?’ In fact, tumanggi ako nu’ng una kasi natatakot talaga ako kasi parang third movie ko pa lang po nakaka-pressure, paano kung hindi ito mag box-office, ako lang ‘yung bago sa team, siyempre ako ‘yung masisisi. Biggest fear ko po talaga.

DIREK THEODORE JOHN LLOYD AT SARAH_PHOTO FROM PUSH.COM copy

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

“Pero at the end of the day, sinasabi sa akin ng mga producers ko na, ‘if you believe that you did your job well and you did good, whether anuman ‘yung outcome nu’n, it’s okay at least alam mong hindi mo sino-shortchange ‘yung audience at producers. In other words, ginawa mo naman ang lahat sa project na ito,” pahayag sa amin ni Direk Theodore.

Pero kahit baguhan, impressive ang track record ni Theodore Boborol. Parehong box-office hit ang idinidirehe niyang unang pelikula nina Enrique Gil at Liza Soberano (Just The Way You Are, 2015) at ang Vince & Kath & James nina Julia Barretto, Ronnie Alonte at Joshua Garcia. Sa katunayan, topgrosser sa Metro Manila Film Festival 2016 itong huli.

Sino ang hinahangaan o peg niyang director?

“Siguro Joey Reyes and Jeffrey Jeturian with a dose of Direk Olive Lamasan.”

Pero hindi niya inaangkin ang success ng mga pelikula niya dahil group effort daw ang mga ito.

“I believe na filmmaking is a group process, hindi dictatorship, hindi puwedeng sabihin na kumita ang pelikulang ito ay dahil sa director o dahil sa artista. For me, it’s a group effort, it’s group work. I’m just the chill, laid-back director, hindi nga ako nakikitang nagpapa-presscon, nakikita n’yo lang ako ‘pag may project. Chill lang po ako. Kaya ako ganu’n kasi gusto ko ‘yung mga artista ko hindi natatakot sa akin, they can be more open with their own shots, expression lang ako, but it doesn’t mean na minumura kita. Gusto ko lang open ‘yung senses nila para maka-acting sila ng tama.

“Kaya sa kind of directing ko, mas nagwo-work ‘pag intelligent ‘yung mga artista rin which ganu’n sina Sarah and John Lloyd,” paliwanag ng director.

Fan din siya ni Direk Cathy Garcia-Molina kaya pinapanood niya ang lahat ng mga pelikula nito. Kaya napanood din niya ang naunang tatlong pelikula nina Sarah at Lloydie, at may bago namang aabangan sa Finally Found Someone.

Chill din lang si Direk Theodore sa set ng Finally Found Someone na inabot ng 40 shooting days.

“Kasi ‘yung fear ko na nai-intimidate ako sa kanila kasi malaking artista sila, nawala lahat, we’re good, we’re okay, it was unfounded because I can truly say na never nilang pinaramdam na baguhang director ako, na sila superstar. At the end of the day, they always asked me as a director if they have some problems with the scenes or they want to ask kung ano ‘yung pinanggagalingan ng eksena instead of dictating na ito ‘yung gusto ko. They tell me kung ano ‘yung concern nila and we work on it with the writers so parang hindi siya ‘yung tipong diktador o prima donna sa set or prima donna na aalis at saka iyon ‘yung pinaka-admirable sa kanilang dalawa,” kuwento ng director.

Napahanga siya nina Sarah at John Lloyd.

“For me, si John Lloyd kasi is really sa artistry. He’s really aiming for artistic growth all the time, he doesn’t want to... parang feeling ko, at the end of the day, whether he’s doing commercial movies or independent film, gusto niya may bago siyang naibibigay sa mga manonood not necessarily sa acting but through the character’s journey or ‘yung story itself. Ayaw niyang sino-shortchange ‘yung audience and so when he acts, he always gives his best. He prepares, kapag may dramatic scenes, hindi mo na nakakausap ng masaya, kasi nagpi-prepare siya. He sees to it that he prepares for every dramatic scene that he is going to do.

“With Sarah naman, I really like her transparency, madali siyang basahin, meaning, akala ko kasi Sarah Geronimo na siya may kini-keep siya. Pero once you get to know her, masaya siya, masaya siya, kung malungkot siya, malungkot siya, hindi ka niya paplastikin. In a way, she is like her character in the movie, her character is so transparent and so honest in her emotions. So ‘yun ‘yung na-appreciate ko sa kanya kasi nakikita ko kung ano ‘yung mood niya for the day, madaling basahin and for me that works na nakakatulong ng malaki para sa isang director. If you can be able to read the mood and the feelings of the actors kasi alam mo kung paano hihilahin. Kaya nga po sa movie na ito, kailangan may bago rin akong maibigay.”

Alam ba niyang mahusay siyang director?

“Ha-ha-ha, parang sabi po nila, pero ayaw ko pong matulad sa ibang director na akala nila panginoon na sila, ayaw kong mapunta roon. Ayaw kong maging ganu’n na lumalaki ang ulo, na hindi na nakikinig ng constructive criticism, kasi ‘pag ganu’n, walang artistic growth, sobrang bilib sa sarili, nakakatakot,” sagot ni Direk.

May nakilala na ba siya o na-encounter na ganoong direktor?

“Naririnig ko lang, sabi nila... wala pa po, naririnig lang. So far naman lahat ng nakatrabaho ko, hindi naman ganu’n, lalo na ‘yung 80s pa,” aniya.

Ano ang mas fullfiling para kay Direk Theodore, magdirekhe ng pelikula o ng teleserye? (Siya ang direktor ng Be My Lady nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, assistant director siya sa Forevermore, at siya rin ang nag-launch ng Angelito ni JM de Guzman; Annaliza, at Okatokat.

“Mas may fulfillment ‘yung movies kasi mas boses mo talaga, saka siyempre ‘yung manonood, bibili talaga (ng tickets), pupunta sa mall ‘tapos at the same time, ‘yung proseso itself, isa ka lang na director. Sa serye kasi minsan ang dami ninyong director, ‘tapos iisipin mo ‘yung ratings.”

Samantala, klinaro ni Direk Theodore ang napabalitang nag-reshoot sila sa Finally Found Someone at itinapon ang 15 days na nakunan na.

“Nabasa ko nga ‘yan kay Fashion Pulis, hindi po totoo ‘yun, nag-revise po kami ng script kasi kailangan sa mga naunang movie nina Sarah at John Lloyd, may bagong makikita sa manonood. Eh, parang mas gusto kasi ng audience nila na more kilig moments, so iyon po ‘yung nilagay din,” paliwang ng director.

Malalaman sa Hulyo 26 kung kaya niyang pantayan ang naunang tatlong pelikula nina Sarah at John Lloyd -- A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009) at It Takes A Man and A Woman (2013).

Makakasama nina Sarah at JLC sa Finally Found Someone sina Joey Marquez, Yayo Aguila, Dennis Padilla, Alwyn Uytingco, Alexa Ilacad, Christian Babbles, Joj Agpangan, Justin Cuyugugan, Lemuel Pelayo, Axel Torres at PJ Endrinal with special participation of Enchong Dee.