Ni: Reuters Health

Ang mga babaeng African-American at mga puti na regular na nagpapaunat ng buhok o nagpapakulay ng dark brown o itim ay mas nanganganib na magkaroon ng breast cancer, ayon ipinahihitwatig ng isang bagong pag-aaral.

“I would be concerned about darker hair dye and hair straighteners,” sabi ng epidemiologist na si Tamarra James-Todd nang repasuhin ang ulat sa Carcinogenesis. “We should really think about using things in moderation and really try to think about being more natural.

“Just because something is on the market does not necessarily mean it’s safe for us,” aniya sa panayam sa telepono.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Si James-Todd, professor sa Harvard T.H. Chan School of Public Health sa Boston, ay hindi katuwang sa naturang pag-aaral.

Sa pag-aaral sa 4,285 African-American at mga puting babae unang nakita malakihang pagtaas ng panganib ng breast cancer sa maiitim na babae na gumagamit ng dark shades ng hair dye at mapuputing babae na gumagamt ng chemical relaxers.

Ang maiitim na babae na nagsabing gumamit ng dark hair dye ay nagkaroon ng 51 porsiyentong pagtaas sa panganib ng breast cancer kumpara sa maiitim na babaeng hindi nito gumagamit, samantalang ang mapuputing babae na nagsabing gumagamit ng chemical relaxers ay nagkaroon ng 74 porsiyentong pagtaas sa panganib ng breast cancer, ayon sa natuklasan sa pag-aaral.

Mas mataas ang panganib ng breast cancer para sa mapuputing babae na regular na nagkukulay ng dark shades sa kanilang buhok at gumagamit din ng chemical relaxers, at higit na doble para sa mapuputing babae na dual user kaysa mapuputing babae na hindi gumagamit ng dark dye o chemical straighteners.

Ang kaugnayan ng relaxers at breast cancer sa mapuputing babae ay ikinagulat ng lead author na si Adana Llanos, epidemiologist sa Rutgers School of Public Health sa Piscataway, New Jersey, ngunit mas nababahala siya sa panganib na dulot ng hair relaxers sa African-American women na tulad niya kaya tumigil na siya sa paggamit nito ilang taon na ang nakalilipas.

“A lot of people have asked me if I’m telling women not to dye their hair or not to use relaxers,” aniya sa isang panayam sa telepono. “I’m not saying that. What I think is really important is we need to be more aware of the types of exposures in the products we use.”

Ipinakita sa mga naunang pag-aaral na ang pangmatagalang paggamit ng dark dyes ay may apat na beses ang pagtaas ng fatal non-Hodgkin’s lymphoma at nakamamatay na multiple myeloma, ulat ng mga may-akda. Iniugnay din ng mga bagong research ang paggamit ng dark hair dye sa pagtaas ng panganib ng bladder cancer.

Natuklasan sa 2016 report ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention na ang antas ng breast cancer sa pangkalahatan ay magkatulad sa maiitim at mapuputing babae, sa 122 bagong kaso sa bawat 100,000 kababaihan.