Ni: People

KINOMPRONTA ni Jennifer Garner si Lindsay Shookus, na girlfriend ng ex-husband na si Ben Affleck, nang madiskubre ang relasyon ng dalawa noong 2015, ayon sa source ng People.

Nagtungo si Jennifer sa New York para magtrabaho nang kausapin nito si Shookus tungkol sa isyu. “Lindsay refused to back down or quit the affair,” sabi ng source.

Ben at Jennifer copy

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“Jennifer and Lindsay do not have any relationship,” dagdag pa ng source na malapit kay Shookus.

Kinumpirma ng ilang sources sa People na nagsimula ang affair nina Affleck at Shookus noong 2013, dalawang taon bago isinapubliko ng aktor at ni Garner ang kanilang paghihiwalay. Karelasyon pa rin noon ni Shookus ang dating asawang si Kevin Miller na dating SNL producer. Naghiwalay naman ang dalawa noong 2014.

Gayunman, ayon sa sources, nanatiling magkaibigan sina Affleck at Shookus at hindi nag-date hanggang sa makipaghiwalay sa kani-kaniyang asawa.

Dagdag pa ng sources, kinausap din diumano ni Garner si Miller tungkol sa affair ng kani-kaniyang asawa nang lumabas ang una sa Late Night With Seth Meyers, na si Miller ang supervising producer.

Binanggit ng unang source na nagpakita pa si Garner ng palitan ng texts messages nina Affleck at Shookus bilang pruweba. (Hiwalay na nang panahong iyon sina Miller at Shookus.)

Nagbabakasyon ngayon ni Affleck at Shookus sa L.A. simula nang ipahayag nila sa publiko ang kanilang relasyon nitong nakaraang linggo.

Inihayag nina Affleck at Garner ang kanilang paghihiwalay noong 2015 pagkaraan ng isang dekadang pagsasama at nag-file ng divorce nitong nakaraang Abril. Patuloy ang co-parenting ng dalawa sa kanilang tatlong anak – sina Violet, 11, Seraphina, 8 at Samuel, 5.

“Ben and Jen continue to be dedicated to their family and kids,” saad ng isang source na malapit kina Affleck at Garner. “They have been separated for two years now and have never strayed from that dedication. They do it better than anyone.”

Ikinasal sina Shookus at Kevin Miller noong 2010 at may isang anak na babae. “They’re both really good friends still,” saad ng isa pang source. “They’re both good, devoted parents. Lindsay and Kevin’s marriage didn’t end over infidelity. There were issues they couldn’t resolve and they realized they were better as friends than together.”