INDIANAPOLIS (AP) — Opisyal nang Pacer si forward Bojan Bogdanovic matapos lumagda ng dalawang taon na kontrata na nagkakahalaga ng US$21 milyon.

Naitala ng Croatian native ang career high 13.7 puntos at 3.4 rebound a nakalipas na season sa 81 laro sa Brooklyn Nets at Washington Wizards. Ayon kay Pacers president of basketball operations Kevin Pritchard, si Bogdanovic ay “perfect fit.”

Kinuha si Bogdanovic ng Miami Heat bilang No. 31noong 2011 Drafting at napabilang sa NBA’s all-rookie second team noong 2014-15.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!