HAMBURG (Reuters) – Nakipagkalas ang mga lider ng mayayamang bansa kay U.S. President Donald Trump sa climate policy sa G20 summit nitong Sabado, isang bibihirang pag-amin na mayroong hindi pagkakaunawaan at malaking dagok sa multilateral cooperation.
Nakumbinse ni German Chancellor Angela Merkel ang mga kapwa lider sa pagpupulong sa Hamburg na suportahan ang single communique na may kasamang pangako sa trade, finance, energy at Africa.
Ngunit hindi maikakaila ang pagkakahati sa pagitan ni Trump, na ikinakampanya ang “America First”, at 19 na iba pang miyembro ng samahan, kabilang ang mga bansang gaya ng Japan, Saudi Arabia at Argentina.
Noong nakaraang taon, ipinahayag ni Trump ang pag-urong ng United States sa makasaysayang international climate accord na nilagdaan sa Paris dalawang taon na ang nakalipas.
“In the end, the negotiations on climate reflect dissent – all against the United States of America,” sinabi ni Merkel sa mga mamamahayag sa pagtatapos ng pagpupulong.
“And the fact that negotiations on trade were extraordinarily difficult is due to specific positions that the United States has taken.”
Sa final communique, binanggit ng 19 iba pang mga lider ang desisyon ng U.S. na umurong sa Paris climate accord at idineklara itong “irreversible”.
Sa kanyang parte, sinabi ng United States na sisikapin nitong makipagtulungan sa ibang bansa “to help them access and use fossil fuels more cleanly and efficiently.”