Ni Marivic Awitan

NAGBABALIK upang muling magsilbi para sa bansa ang long-time national team member na si Gabe Norwood.

Kabilang ang Rain or Shine guard sa mga pangalang inihayag ni Gilas Pilipinas coach bilang bahagi ng 24-man pool na binuo para sa 2017 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Lebanon sa susunod na buwan.

Rain or Shine's Gabe Norwood (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Rain or Shine's Gabe Norwood (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Ang listahan ng national pool ay ipinost ni Reyes nitong Sabado sa kanyang Twitter account.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang 32-anyos na shooting guard, ay huling naglaro para sa Gilas noong 2015 FIBA Asia Championship.

Bukod kay Norwood, kabilang din sa listahan sina Gilas veterans Calvin Abueva, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Troy Rosario, Terrence Romeo, at reigning Asia’s best point guard Jayson Castro.

Kasama rin sina Gilas Cadets Carl Bryan Cruz, Kevin Ferrer, Mac Belo, Kobe Paras, Ray Parks, Jio Jalalon, Kiefer Ravena, Roger Pogoy, Mike Tolomia, Christian Standhardinger, at Matthew Wright.

Kumukumpleto naman sa listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sina Raymond Almazan, Norbert Torres, Baser Amer, Kevin Alas, Allein Maliksi, at naturalized center Andray Blatche.