DETROIT (AP) — Inakusahan ng US authorities ang dating executive ng Volkswagen Audi luxury brand ng pandaraya sa mga emission test.

Si Giovanni Pamio, 60, Italian, ang itinuturong lider sa pagpaplano ng iskandalong nagdulot sa VW ng higit sa $20 billion halaga sa pag-aayos ng mga kaso at lawsuit settlements. Siya ang ikapitong ex-VW na nadawit sa nasabing kaso na patuloy na sinisiyasat ng FBI at ng Environmental Protection Agency.

Isang empleyado ang nakatakdang sentensiyahan ngayong buwan, ang isa pa ay nasa ilalim ng kustodiya ng U.S. at ang apat ay pawang German.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina