Ni: Cover Media

DETERMINADO si Ed Sheeran na patahimikin ang kanyang mga kritiko sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalakas sa kanyang successful career.

Nagkaroon ng maraming tagasubaybay ang British singer-songwriter simula nang sumikat noong 2011, ngunit hindi rin nakaiwas sa backlash, dahilan para tumigil ang Thinking Out Loud singer sa Twitter nang makatanggap ng maraming mapang-abusong mensahe.

Ed copy copy

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

Nagsalita sa Q magazine, sinabi ni Ed na nagulat siya sa galit sa kanya, ngunit determinadong patunayan ang pagkakamali ng kanyang detractors sa pamamagitan ng patuloy na pamamayagpag sa charts.

“It’s weird,” paglalahad niya. “With every performer, you’re kind of doing it because you want people to like you.

Musically I know I’m not everybody’s cup of tea but there are people who’ve never met me but have this rage about me as a human being. It’s quite daunting to have millions of people who want you to fail.”

Idinagdag niya na, “The only way to silence people who want you to fail is to keep succeeding.”

Walang kamuwang-muwang ang 26-anyos sa kakayahan niyang hatiin ang opinyon ng mga tao, at nagpaliwanag na, “I’ve never actually felt this much hate in my life, but also I’ve never felt this much adoration. It’s actually quite a dangerous situation because you’ve got no middle ground, which I haven’t had before. People either f**king hate me and want me to die and never make music again or think I’m the second coming.”

Ibinunyag ni Ed nitong nakaraang Linggo na kinailangan niyang tumigil sa paggamit ng Twitter dahil sa bashing na natatanggap niya.

Nagpaabot naman ng suporta si Lady Gaga kay Ed laban sa pang-iinsulto ng fans.

Nahihirapan na ang Shape of You hitmaker na i-tolerate ang masasamang patutsada ng social media critics, at ang misunderstanding na nauwi sa pag-atake sa kanya ng followers ni Lady Gaga, ang naging hudyat para umalis siya sa Twitter.

“Lady Gaga’s fanbase read an interview in which they assumed I was talking about her and they all f**king hate,” ani Ed sa The Sun. “And it wasn’t anything to do with that at all. So I think Twitter gets on a massive steam roll of assuming things and then you get in the s**t.”

Nakarating kay Lady Gaga ang mga komento ni Ed at hinimok ang devotees nito na maging magalang.

Nitong Martes, nagbahagi si Lady Gaga, nangangampanya laban sa bullying sa pamamagitan ng kanyang Born This Way Foundation, ng lumang litrato nila ni Ed.

“What an incredible talented artist,” saad niya. “I LOVE ED, @edsheeran deserves all our love and respect like all humans do.

“I wish all people on the internet would be positive and loving and apart (sic) of creating an online community that is kind and empowering, not hateful and mean. No reason to tear down an artist simply because they are on top. Work harder to be kinder everybody. That should be your first duty to humanity.”

Wala pang komento si Ed sa public show of support sa kanya ni Lady Gaga.