Ni: Bert De Guzman

Sinabi kahapon ni Rep. Robert Ace Barbers (2nd District, Surigao del Norte), chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na dapat gayahin ng 10 bansa sa Association of Southeast Asian Nations ang ala-Duterte na pagsugpo sa illegal na droga.

Ang Pilipinas ang host ng 13th AIPA Fact Finding Committee (AIFOCOM) to Combat the Drug Menace na ginaganap sa Manila mula Hulyo 4 hanggang 8, 2017.

Binigyang-diin ni Barbers, kasama sa delegasyon ng Pilipinas, ang pinakamahalagang isyu na dapat ikonsidera ng AIPA ay ang problema sa droga ng mga bansa sa ASEAN.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter