Ni: Marivic Awitan

NAISALBA ng Flying V ang malamyang laro ni Jeron Teng para makaalpas sa Racal Motors, 94-86, at maitala ang ikalimang sunod na panalo nitong Lunes sa 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sumandal si coach Eric Altamirano sa gilas nina Gab Banal at Aris Dionisio sa final period, tampok ang 3-of-6 sa three-pointer ni Banal tungo sa kabuuang 17 puntos, habang tumipa si Dionisio ng 13 puntos.

“Our first group struggled today, but it’s a good thing that our second group stepped up,” sambit ni Altamirano.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We made some stops at the end, but the problem is still the same, we’re very inconsistent.”

Hataw din si Thomas Torres sa nakubrang 17 puntos, dalawang rebound at dalawang assist, habang nalimitahan si Teng sa 11 puntos mula sa 4-of-18 clip.

Nakuha ng Racal ang 70-67 bentahe may 8:41 sa laro bago ang 10-0 run ng Flying V sa pangunguna nina Banal at Dionisio para maagaw ang kalamangan sa 77-70.

Nanguna sa Racal si Rian Ayonayon na may 28 puntos, habang kumubra sina Gwynne Capacio, Jamil Ortuoste, at Mac Tallo ng tig-10 puntos.

Sa unang laro, nilantakan ng Wangs Basketball ang Zark’s Burger, 133-92, para sa ikaapat na panalo.

“Gusto talaga namin na easy shots yung kalaban. Sumunod na lang yung opensa namin,” pahayag ni coach Pablo Lucas.

Tumatag ang Wangs sa 4-3 record.

Iskor:

(Unang laro)

WANGS BASKETBALL (133) - Juico 30, Herndon 26, Ambulodto 16, Habelito 12, Sorela 11, Arambulo 10, Montemayor 8, Bitoon 8, De Chavez 6, Tayongtong 6, Riley 0, King 0.

ZARK’S BURGER (92) - Celiz 37, De Leon 18, Bautista 15, Mangahas 11, Cudal 4, De Ocampo 4, Sheriff 2, Nalos 1, Cariaga 0, Cayabyab 0, Argamino 0, Ferrer 0, Juruena 0.

Quarters: 30-30, 56-50, 102-62, 133-92.

(Ikalawang laro)

FLYING V (94) - Banal 17, Torres 17, Dionisio 13, Teng 11, Cañada 11, Thiele 10, Salamat 8, Tampus 4, Webb 3, Ongteco 0, Colina 0.

RACAL MOTORS (86) - Ayonayon 28, Capacio 10, Ortuoste 10, Tallo 10, Gomez 9, Pontejos 9, Grimaldo 6, Apreku 2, Faundo 2, Mangahas 0, Dela Cruz 0, Cortes 0, Lozada 0.

Quarters: 25-28, 46-44, 67-64, 94-86.