Ni NITZ MIRALLES

NAKAUSAP namin si Bela Padilla sa presscon/announcement ng 12 finalists ng Pista ng Pelikulang Pilipino na project ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na mapapanood sa August 16-22. Dumalo sina Bela at JC Santos dahil pumasok na finalist ang pelikula nilang 100 Tula Para Kay Stella.

BELA copy copy

Si Bela ang gaganap na Stella at si JC si Fidel sa romance/drama movie ni Direk Jason Paul Laxamana. Pinuna namin ang magandang suot ni Bela na sabi niya, ibinagay niya sa karakter niya sa movie na isang aspiring but frustrated rock star.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Excited si Bela dahil isa lang ang 100 Tula sa apat na finalists na hindi pa naipapalabas kahit saan. Kumbaga, organic ang kanilang pelikula at tiniyak niyang magugustuhan ng moviegoers.

Sinamantala na rin ng press na itanong kay Bela habang kaharap siya kung nanliligaw nga ba sa kanya si Zanjoe Marudo, isang isyu na matagal nang hindi nila nasasagot.

Napansin naming hindi “yes” or “no” ang sagot niya.

“Siya na lang ang tanungin ninyo,” tugon ni Bela.

Okay daw sa kanyang manligaw si Zanjoe, walang problema dahil pareho silang single at nababaitan siya sa aktor. Pero inulit ang sinabing, “Siya na lang ang tanungin ninyo.”

Siyempre, naitanong din kay Bela ang relasyon ng ex-boyfriend niyang si Neil Arce kay Angel Locsin.

“I have nothing to say. Hindi ako ang dapat hingan ng reaction because I’m not part of their relationship but I am happy for them,” pahayag ni Bela.

May komunikasyon pa rin sila ni Neil at nagkikita paminsan-minsan dahil si Bela ang sumulat ng script ng pelikula nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na produced ng N2 Productions ng una.

Open pala si Bela na makasama sa pelikula si Angel at prodyus ni Neil. Walang problema kung kukunin siya at tiyak siyang wala ring magiging problema kay Angel.

“I would love to work with Angel. Isa siya sa masarap panoorin. I would be honored to be working with her,” pagtatapos ni Bela.