Ni: Rommel P. Tabbad

Pinangangambahang magkaroon ng krisis sa bigas sa bansa sa susunod na mga araw.

Paliwanag ni National Food Authority (NFA) Spokesperson Marietta Ablaza, numinipis na ang buffer stocks sa bodega ng ahensiya sa Visayas Avenue sa Quezon City.

Gayunman, umaasa si Ablaza na muling magiging stable ang supply ng bigas sa pagdating sa bansa ng bigas na inangkat ng NFA sa Hulyo 31 ng taong ito.

Metro

MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay para sa mga solo parent sa Abril 26

Kasabay nito, umapela si Ablaza sa mga rice trader na huwag samantalahin ang sitwasyon dahil ang mamimili ang maaapektuhan ng anumang pagsasamantala ng mga negosyante.