Ni Dennis Principe

KAMAKAILAN ay sinabi ni Australian boxing legend Jeff Fenech na wala na siyang nakikitang determinasyon sa mga mata ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao.

Mariin naman itong kinontra ni Filipino two-division world champion Dodie Boy Penalosa na may nais ihayag na rebelasyon kay Fenech maging sa makakalaban ni Pacquiao na si Australian Jeff Horn.

Manny Pacquiao speaks to the media in Brisbane, Tuesday, June 27, 2017. Pacquiao, is putting his WBO belt on the line Sunday, July 2, against the 29-year-old Australian fighter Jeff Horn. (AP Photo/John Pye)
Manny Pacquiao speaks to the media in Brisbane, Tuesday, June 27, 2017. Pacquiao, is putting his WBO belt on the line Sunday, July 2, against the 29-year-old Australian fighter Jeff Horn. (AP Photo/John Pye)

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Ang 54-anyos na si Penalosa ay nakasama sa Team Pacquiao sa halos isang buwan na pag-eensayo sa kanilang training camp sa General Santos City.

“Paalis na sila Sabado ng hapon, gusto pang tumakbo ni Manny sa umaga pero umulan ng malakas,” pahayag ni Penalosa.

“Imbes na i-cancel niya, tumakbo na lang siya sa basketball gym ng halos isang oras. Doon pa lang makikita mo yung determinasyon niya.”

Nakita rin umano ni Penalosa ang pambihirang timing ng paa at kamay maging ang lakas ng mga kamao ni Pacquiao sa sparring sessions nito laban sa sparmates na sina unbeaten Australian lightweight contender George Kambosos, Mexican Adrian Young at mga Pinoy na sina Leonardo Doronio at Sonny Katiandagho.

“Magaling pa din magpatama pati umiwas sa atake ng kalaban kaya nga halos tinatawanan niya yung mga sparmates niya.

Tama lang yung kumpiyansa ni Manny sa tingin ko,” ani Penalosa.

Naniniwala si Penalosa na mayroon pang natitirang motibasyon si Pacquiao sa boxing career nito, isa na dito ay ang makalaban sa isang rematch si Floyd Mayweather, Jr.

Samantala aminado si chief trainer Freddie Roach na papalapit na din ang pagtatapos ng career ni Pacquiao na sa edad na 38 anyos ay nakapagtala nang kabuuang 67 fights sa 22-year pro career.

“Manny’s got a few fights left and I know that we are getting close to the end,” pahayag ni Roach “If he struggles, it could be over and I could call it a day.”

Liyamado si Pacquiao na mapanatili ang kaniyang WBO welterweight crown kontra Horn sa kanilang 12-round fight na gaganapin ngayong Linggo sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.