BALIK-EKSENA ang original Traffic Queen ng iconic ABS-CBN morning show na Alas Singko Y Medya na si Aida Gonzales.

Ilang taon nawala si Aida G sa eksena simula nang tumutok sa kanyang pinalagong negosyo na nakalinya sa health and wellness at ngayon ay nagbabalik para mag-influence na yakapin ang healthy lifestyle at nami-miss din ang mabilis na buhay sa media.

Aida Gonzales copy copy

“Bumalik ako dahil nami-miss ko ang pagiging broadcaster, kaya ngayon eighty percent business and twenty percent ang pagiging broadcaster ko,” sabi ni Aida G.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kasabay ng kanyang comeback ang pagpapakilala niya sa Timeless Health and Beauty na bunga ng sinusunod niyang mas simple at healthy na lifestyle sa ngayon.

“Its about healthy lifestyle kasi im not getting any younger kaya na rediscover ko ang basics na ginagamit sa ating katawan nakakabawas ng toxins sa katawan kaya na discover ko ang importance ng turmeric o luyang dilaw,” dagdag pa ni Aida G.

Pero gaano man kalayo ang kanyang marating bilang businesswoman at health advocate, hindi makakalimutan ni Aida G ang mga natutunan sa ASYM morning show.

“Hindi makakalimutan ang patience at determination and hard work kailangan tyagain mo talaga kailangan determined ka talaga kailangan may sipag kasi kailangan mo ‘yun maaga ka gigising,” kuwento ni Aida G.

At bilang unang project kasabay ng launching ng Timeless Health and Beauty, ipinakilala rin ni Aida ang sampung candidates ng 2017 Search for Miss Philippine Islands na magiging ambassadors ng kanilang healthy campaign.

“Nire-represent nila ang healthy lifestyle na swak sa pino promote namin na products sa Timeless Health and Wellness kaya plano namin every year gawin na namin ito” pagtatapos ni Aida G.