Untitled-1 copy

Ni NITZ MIRALLES

TATLONG araw na sunud-sunod na tayong may balita kina Luis Manzano at Jessy Mendiola, ayaw kasing magpapigil sa ka-sweet-an ang dalawa. Hindi natapos sa anniversary dinner nila sa Solaire ang selebrasyon ng dalawa dahil niregaluhan pa ni Luis ng puppy ang girlfriend na napaiyak sa sobrang tuwa.

Post ni Luis habang hawak ni Jessy ang puppy: “So someone cried when she saw my anniversary surprise! From Teddy, his name is now Chewie!!”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Thank you my love” ang sagot ni Jessy sa post ni Luis at sa sariling IG. May picture si Jessy na nasa bed siya at hawak si Chewy. “You’re full of surprises @luckymanzano. Thank you and i love you. hi Chewie.”

Siguradong hind matatapos kay Chewie ang kas-sweet-an nina Luis at Jessy, kaya abang-abang pa tayo.

Samantala, medyo nasa imbiyerna mode si Luis sa post/sagot niya sa mga nagko-comment na niligawan niya si Jessy habang magkarelasyon pa sila ni Angel Locsin. Kahit hindi kailangan, nilinaw ni Luis ang isyu.

“TO EVERYONE ASKING OR PRETENDING TO BE DETECTIVES, I was already single January pa lang:) around 2 days after the Star Wars Force awakens showing here. So that’s crystal clear:) so don’t pretend to know it all when all you see/read/know are from tabloids or social media:) if you still can’t understand that e di kayo na may problema:).”

Sinundan ito ni Luis ng isa pang post: “And the first time we got to really hangout was my birthday last year:) kung may iba kayong alam na mas alam pa sa amin, aba, e di kayo na!”