Dingdong at Anne copy

Ni: Nitz Miralles

ANG tambalan nina Dingdong Dantes at Anne Curtis sa pelikula ang sunod na aabangan ng moviegoers.

Ang N2 Productions ni Neil Arce at Viva Films ang producers ng pelikula na tila Sid and Aya (Not A Love Story) ang working title, at ididirihe ni Irene Villamor.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

First time na magtatambal sa pelikula sina Dingdong at Anne, kaya marami ang excited. Sa comments na nabasa namin, lumalabas na matagal nang hinihintay ng fans ang pagsasama sa pelikula nina Dingdong at Anne at ngayong natuloy na, excited sila.

May nagtatanong na nga kung kailan ang playdate pero hindi pa alam dahil nag-look test pa lang ang dalawa. Hindi pa nga alam kung sino ang ibang kasama sa cast dahil wala pang storycon.

Ang daming pelikula ni Anne, ha! May Bust Bust pa siya under Erik Matti at may gagawin din na Korean actor ang leading man. Sa gitna ito ng paghahanda sa wedding nila ng fiancé niyang si Erwan Heussaff.

Si Dingdong naman, gagawin sa GMA-7 ang Book 2 ng Alyas Robin Hood at naka-schedule this year. Sabagay, busy pa si Direk Dominic Zapata sa Mulawin vs Ravena, baka pagkatapos na ng fantaserye gagawin ang Alyas Robin Hood.