Ni: Cover Media

NALAGLAG ang sanggol sa sinapupunan ng dating child star na si Charlotte Church pagkaraan ng ilang linggo simula nang kumpirmahin niyang buntis uli siya.

Ibinahagi ng kinatawan ng 31-anyos na Welsh singer ang malungkot na balita sa Twitter nitong Lunes, at ipinaliliwanag ang pagdadalamhati ni Charlotte at ng kanyang partner na si Jonathan Powell.

Charlotte copy

Human-Interest

'Puro kayo Labubu, mas masaya to!' Paper dolls noong 90s, naghatid ng nostalgia

“Charlotte and Jonny are very sad to announce that they lost their baby,” mababasa sa note sa social media. “Now is a time for grieving and being together as a family. We kindly ask everyone to respect that peace.”

Inihayag ni Charlotte, tinaguriang Voice of An Angel dahil sa kanyang talento sa classical singing, na siya ay buntis sa ikatlong pagkakataon noong Mayo. Ibinalita niya ito sa kanyang mga tagahanga sa isang konsiyerto sa Birmingham, England. Ang sanggol - unang anak niya kay Jonathan - ay nakatakda sanang isilang sa Nobyembre.

Nagkaroon ng relasyon ang Crazy Chick singer at si Jonathan, isa ring musikero, noong 2010 nang maghiwalay si Charlotte at ang rugby player na si Gavin Henson, ang ama ng kanyang dalawang anak na sina Ruby Megan, 9-anyos, at Dexter Lloyd, 8.

Bago ang kanyang huling pagbubuntis, nilibot ni Charlotte ang U.K. sa kanyang Late Night Pop Dungeon tour, na nagtatampok ng pag-awit niya ng classic hits. Wala nang nakatakdang gig ang bituin hanggang sa Setyembre.

Lumagay siya sa tahimik nitong mga nakaraang taon nang makatagpo ng kaligayahan sa kanyang bagong partner, isang singer-songwriter at producer na naglabas ng dalawang solo album.

Nagsalita tungkol sa kanilang relasyon ng rocker noong nakaraang taon, sinabi niya sa Daily Telegraph ng Britain na, “Well, I’m really happy with my dude. He’s lush, he’s so smart, and he really looks after me.”

Ang couple ay nag-collaborate sa stage musical version ng classic fairytale ni Hans Christian Andersen na The Little Mermaid, na nagbukas sa Festival of Voice sa Cardiff, Wales noong nakaraang taon.