Ni: Mary Ann Santiago
Sa sariling tahanan ibinulagta ang isang college student ng hindi pa nakikilalang armado sa Paco, Maynila, iniulat kahapon.
Kinilala ni Manila Police District (MPD) Director Police Chief Supt. Joel Napoleon Coronel ang biktima na si Anicieto Abundo, 24, ng 1972 Narra Street sa Paco.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Emerey Abating, hepe ng MPD-Station 5, nasa labas ng bahay si Abundo nang pagbabarilin ng suspek, dakong 10:30 ng gabi nitong Biyernes.
Mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman sa ospital ang biktima ngunit nasawi rin nitong Sabado ng madaling araw.
Inaalam na ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.