ni Marivic Awitan

Mga laro ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig)

3 n.h. -- Racal Motors vs Wangs Basketball

5 p.m. - Flying V vs Marinerong Pilipino

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MAPANATILI ang pamumuno ang tatangkain ng Flying V sa pagbabalik aksiyon matapos ang matagal na pagkabakante sa pagsalang kontra Marinerong Pilipino ngyon sa PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Huling sumabak ang Thunder nitong Hunyo 13 nang maiposte ang ikatlong tagumpay kontra Wang's Basketball bago pansamantalang nagpahinga para bigyang -daan ang paglalaro ng kanilang ace gunner na si Jeron Teng sa nakaraang FIBA 3x3 World Championships na ginanap sa France.

Matutunghayan ngayon kung kinalawang ang Thunder mula sa mahabang panahon nang pamamahinga sa kanilang laro kontra sa Skippers ngayong 5:00 ng hapon.

Mauuna rito, magtutunggali ang Racal Motors at Wang's Basketball sa unang salpukan ganap na 3:00 ng hapon.

Magtatangka ang Skippers na makabangon mula sa huling kabiguang nalasap sa kamay ng Tanduay Rhum na nagbaba sa kanila sa solong ika-6 na posisyon taglay ang markang 1-3.

Sa unang laban, pagbawi rin ang target ng Alibaba sa pagtutuos nila ng Couriers na hangad namang makapagtala ng back-to-back wins matapos magwagi sa nakaraang laban nila kontra Gamboa Coffee Mix.

Inaasahan ni coach Eric Altamirano na mas tataas pa ang kumpiyansa ni Teng matapos ang naging karanasan nito sa FIBA 3x3 World Championships.