ni Marivic Awitan

IPINAMALAS ng reigning NCAA champion Mapua ang kanilang kahandaan para sa darating na Season 93 nang kanilang angkinin ang juniors crown ng 2017 Fil Oil Flying V Premier Cup matapos pataubin ang Ateneo de Manila, 89-82 kahapon sa kampeonato sa FIL Oil Flying V Center San San Juan City.

Nagtala ng team high 23 puntos si Clint Escarmis habang nag-ambag sina Warren Bonifacio at Will Gozum para sandigan ang Red Robins.

Umiskor si Bonifacio ng 18 puntos at 13 rebound, habang nagdagdag naman ang napiling Player of the Game na si Gozum ng 17 puntos, 14 rebound bukod sa tig-dalawang assist at block.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kabilang dako, namuno naman para sa losing cause ng Ateneo si Dave Ildefonso na may 16 puntos, kasunod si Kai Sotto na may 15 puntos at 14 rebound.

"Malaking bagay 'to para sa akin kasi makakatulong ito to boost the morale of our players for our back-to-back campaign, " pahayag ni Red Robins coach Randy Alcantara.

"Mahirap kasi manalo ng first championship pero mas mahirap mag back-to-back."

Sa labanan para sa third place, nanaig naman ang National University kontra University of Santo Tomas, 86-75 sa pamumuno ni Rhyan Amsali na may 30-puntos.

Iskor:

Mapua (89) - Escamis 23, Bonifacio 18, Gozum 17, Garcia 14, Lacap 9, Enriquez 4, Jabel 4, Dennison 0, Ramos 0.

Ateneo (82) - Ildefonso 16, Sotto 15, Manuel 13, Belangel 9, Jaymalin 9, Chiu 5, Credo 4, Gusi 4, David 3, Angeles 2, Escalona 2, Tanedo 0.

Quarterscores: 16-19; 41-43; 59-62; 89-82.