Ni ADOR SALUTA

SA launch ng kanyang single titled Stay, nakapanayam ng ilang blogger ang baguhang singer na si Claudia Barretto, anak ni Marjorie Barretto (kay Dennis Padilla) at pamangkin ni Gretchen Barretto. Naitanong kay Claudia kung handa ba siyang maikumpara sa kanyang Tita Gretchen.

Gretchen Barretto
Gretchen Barretto
Taong 2009, sinubukan din ni Gretchen ang recording scene at nakagawa ito ng album titled Complicated.

Sagot ni Claudia, “I don’t mind. I mean it’s nice to know that someone else actually sings...”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Agad na ipinarating kay Gretchen ang sinabi ng pamangkin at agad ding nag-react sa “someone else” statement ni Claudia.

Tinawag pa ng aktres na “ungrateful” si Caludia. To Claudia’s defense ang nag-iisang anak nina Gretchen at Tony “Boy” Cojuangco na si Dominique. Kaagad nitong tinawagan ang ina at hininging unawain at patawarin ang pinsan.

Sumagot naman sa pamamagitan ng social media si Gretchen.

(Editor’s note: Maaaring basahin ang naturag post sa kaugnay na item ni Nitz Mitalles.)

Agad ding sumagot si Claudia sa naturang post at nagpaliwanag na hindi niya intensiyong saktan ang tita niya.

Harinawang matuldukan na ang isyu at hindi na ito pagpistahan na naman ng media at ng publiko.