Ni: Entertainment Tonight

IBANG level na talaga ang jewelry collection ni Kim Kardashian West!

Pagmamay-ari na ngayon ng 36 anyos na reality star ang hugis parisukat na relo ng first lady na si Jackie Kennedy.

kim-kardashian copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa bid na $379,500, nabili ng Selfish author ang Cartier watch sa Christie’s Auction House sa New York.

Tampok sa 18k gold square-shaped wristwatch ang balck band na mayroong Roman numeral bilang bilang sa oras.

Nakaukit sa accessory na ito ang petsang Pebrero 23, 1963, eksaktong siyam na buwan bago pinatay ang asawa ni Kennedy, si John F. Kennedy. Ang relo ay iniregalo ng kanyang bayaw na si Prince Stanislaw “Stas” Radziwill.

Kataka-takang ang taste ngayon ni West ay hindi na gaya noon na namumutaktak ng diyamante o anumang makikintab na accessory. Matatandaang ipinahayag ni West na isinumpa na niya ang alahas nang pagnakawan at tutukan siya ng baril sa Paris noong Oktubre.

“I know this sounds crazy, but I know that was meant to happen to me, I’m such a different person. I was definitely materialistic before. I just don’t care about that stuff anymore,” sabi ni West sa kanyang guest appearance sa The Ellen DeGeneres Show.

“It’s not to say I’ll never wear jewelry again or anything like that. I truly don’t know if I’d ever feel comfortable,” patuloy niya. “I truly don’t know if I’d ever wear real jewelry again.”