Ni NITZ MIRALLES

HINDI na nakatiis si Ulysses Lustre, ama ni Nadine Lustre, sa walang tigil na pamba-bash sa kanyang anak. Sa Facebook, ipinost nito ang itinagong fan mails na natanggap ng anak simula pa noong member ito ng Pop Girls hanggang ngayong parte na siya ng sikat na JaDine love team nila ng boyfriend na si James Reid.

NADINE copy

Heartwarming ang post ng ama ni Nadine. Heto, basahin ninyo:

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Fan mail from Pop Girls up to now. She kept it. Nadine loves her family, her friends and her fans. It breaks my heart when people judge her. She always mean well. She just wants people around her to be happy even as a child.

Please lets stop the hate. My daughter becomes angry but she doesn’t hate. Let’s all be friends.”

Kaya lang, ayaw pa ring papigil ang ibang haters dahil bina-bash pa rin nila si Nadine. Gayunman, may ibang bashers na sinasabi ang dahilan kung bakit ayaw o hate nila si Nadine at nagbibigay rin ng advise kung paano maiiwasan ni Nadine ang ma-bash.

Samantala, nananatiling number one sa FHM Sexiest Poll si Nadine. Ang tanong ng fans niya na hindi pa masagot ay kung rarampa si Nadine sa victory party kapag siya ang nanalo.

Suportado si Nadine ni James sa FHM poll at sa interview ng ABS-CBN, ang wish nito ay manalo ang girlfriend.

“Is she leading the poll? Again? Oh my God. Well, I hope she wins this time. That’s good for her. Of course, I am proud. I’m not that type of person who easily gets jealous. I am proud. I hope she wins,” sabi ni James.