Ni: Nitz Miralles

MARAMI ang nag-aabang kung sino ang pipiliin ni Barbie Forteza na maka-meant to be kina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Roberto sa pagtatapos ng Meant To Be sa Friday, June 23. Inaabangan din ang pagtatapos ng rom-com series sa concert ng Tres Marias, ang grupo nina Manilyn Reynes, Tina Paner at Sheryl Cruz na napakarami pa ring fans.

Tina, Sheryl at Manilyn copy

Kasama sa istorya ang big concert nina Amelia (Manilyn), Suzy (Tina) at Beatriz (Sheryl) at kung matutuloy ang “live” finale na pinaplano, isa ang concert ng Tres Marias sa mapapanood.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kahit si Direk LA Madridejos aminadong kasama ang tatlo at si Keempee de Leon na nagpasaya sa istorya ng Meant To Be.

Kabilang sila sa mga rason kung bakit sinubaybayan for 26 weeks ang rom-com series. Mas sumaya pa nang pumasok si Janno Gibbs bilang guest.

Sa Meant To Be lang uli nagkasama sina Manilyn, Tina at Sheryl, kaya kapag may taping na may eksena silang tatlo, siguradong in between takes, nagtsisikahan sila. Iba na ang kuwentuhan ng tatlo, hindi na lang tungkol sa kanila at sa kanilang career, mas malaking parte ng usapan ay tungkol sa kani-kanyang pamilya.

Umaasa ang fans nina Manilyn, Tina at Sheryl na may kasunod na projects pa ang GMA-7 sa kanilang tatlo.