ni Leonel M. Abasola
Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong treason at espionage laban kina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Senador Antonio Trillanes IV.
Sa pahayag na inilabas ng kampo ni Trillanes, nakasaad sa desisyon ng Ombudsman na wala itong nakitang batayan at ebidensiya laban sa dalawa sa kasong isinampa nina Gen. Roberto T. Lastimoso, Dr. Enrico Sampang, Judge Moslemen T. Macarambon, dating congressman Ronald Adamat at Dr. Dioscoro Esteban, Jr. noong Mayo 2016.
Nag-ugat ang reklamo sa backchannel negations ni Trillanes, sa basbas ni Aquino, sa mga kinatawan ng Chinese government kaugnay sa hamunan sa Scarborough Shoal.
“Backchannel negotiations with China cannot be construed as ‘giving aid to enemy,’” saad sa desisyon.