OGOTA, Colombia (AP) – Sumabog ang bomba sa isang sikat na shopping center sa kabisera ng Colombia nitong Sabado, na ikinamatay ng tatlong katao, kabilang ang isang 23-anyos na babaeng French, at ikinasugat ng siyam na iba pa.

Itinanim ang bomba sa restroom ng kababaihan sa ikalawang palapag ng Centro Andino sa sentro ng tourist district ng Bogota, ayon sa pulisya.

Tinawag ni Mayor Enrique Penalosa ang pagpasabog na “cowardly terrorist bombing,” at kaagad na bumaling ang atensiyon sa National Liberation Army, ang huling kilusan ng mga rebelde na aktibo pa rin sa Colombia. Ang grupo na kilala bilang ELN ay nagsagawa ng mga pag-atake sa Bogota kamakailan, ngunit itinanggi na may kinalaman sila sa huling pambobomba.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'