GAL GADOT copy

Ni: NITZ NIRALLES

MAY 6.5M followers si Gal Gadot sa Instagram (IG), ibig sabihin, ganoon karami ang nakapanood ng video ng make-up transformation ni Paolo Ballesteros para maging kamukha ni Wonder Woman na ipinost ng Hollywood actress.

As of yesterday, umabot na sa 4,221,861 ang nag-like sa video ni Paolo na nasa IG ni Gal Gadot.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Bukod sa comment ni Gal Gadot na, “Wow! This is incredible @pocho_29. Bravo #wonderwoman,” may 13,918 comments na ang video from different nationalities and different languages.

Nakakaaliw basahin ang comments at kakailanganin ang Google para i-translate ang ilang foreign languages na pawang positive.

Of course, hindi nagpahuli sa pagko-comment ang mga Pinoy pati mga celebrity gaya nina KC Concepcion, Maxene Magalona, Lotlot de Leon at maraming iba pa.

‘Kaaliw dahil may nag-away na netizens kung beki ba o hindi si Paolo dahil magaling sa make-up transformation. In fairness, marami ang nagtatanggol kay Paolo, hindi lang mga Pinoy.

Sinagot pala ni Paolo ang comment ni Gal Gadot ng, “@gal_gadot wow!” na nilagyan ng iba’t ibang emoji.