JOVIT copy

Ni: ADOR SALUTA

NAGBIGAY na ng reaksiyon si Jovit Baldivino tungkol sa balitang pagkakahuli sa kanya ng girlfriend na si Shara Chavez na may ibang karelasyong babae.

Aniya sa pamamagitan ng post sa kanyang Facebook Fan Page, “God bless everyone, stay calm, alam ng Diyos lahat ang nangyayari, siya lang talaga lahat ang nakakaalam, tatanggapin ko lahat ng sasabihin n’yo!!!

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

“Pero ang DIYOS lang ang nakakaalam ng lahat lahat!!!!!”

Sa comment section, isang netizen ang nagpahayag ng pagkadismaya at inakusahang “babaero” ang 23-year-old singer.

“Nakakagalit ang mga katulad mo,” sabi pa ng netizen.

Sinagot naman ito ng administrator ng fan page ni Jovit: “Babaero agad, Kuya? Salamat po, kuya ha, kasi nanghusga ka agad. Ok lang po un kuya. Ikaw na po ng hindi babaero.. Admin.. God bless po, kuya.”

Noong Lunes, June 12, inilabas ng PEP.ph ang pahayag ng dating girlfriend ni Jovit tungkol sa viral photos na nagpapakitang may ibang kasamang babae ang singer.

Inamin ni Shara sa PEP na dahil sa nangyari, naghiwalay sila ng first grand winner ng Pilipinas Got Talent.

Aniya, “Sa kanya na nanggaling na hindi na daw kami magkakabalikan. Never siya nag-sorry for what happened and he never admitted na nagkamali po siya.”