BARBIE AT MTB BOYS copy

Ni: NORA CALDERON

MASAYANG-MALUNGKOT ang thanksgiving presscon ng Meant To Be sa PBA Cafe na isa sa mga location na ginagamit nina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raz. Dumalo rin ang ibang members ng cast, ang Tres Marias na sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at Tina Paner, sina Mika dela Cruz, Stephanie Sol at Ronaldo Valdez. 

Labis-labis ang pasasalamat ng cast at buong production staff ng rom-com sa pangunguna ni Direk LA Madridejos na umaming medyo nahirapan sila sa bawat episode na ginawa nila pero thankful siya dahil in-embrace ng bawat isa sa cast ang isang simple story na laging may challenges lalo na tuwing nagri-revise sila ng script.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Marami ang nag-expect na nang gabing iyon malalaman kung sino ang makakatuluyan ni Billie (Barbie) kina Yuan (Ken), Andoy (Jak), Ethan (Ivan) at Jai (Addy). Pero ipinaliwanag ng program manager na si Hazel Abonita na magkatulong na magdedesisyon ang text votes (na magtatapos sa Sunday, June 18, 11:59 PM) at ang writers ng serye.

Maging ang press people ay may kanya-kanya ring choice sa dapat makatuluyan ni Billie sa pagwawakas ng serye. Pero classic ang sagot ni Lolo Ronaldo: “Magtatampo ang hindi mapipili sa apat na boys, kaya kung ako, wala akong pipiliin.”

So, ano ang masasabi ng apat na boys (in character), sino sa kanila ang dapat piliin?

Yuan: “Nakita ninyo sa simula kung gaano kasungit ang role ko, pero si Billie lang ang nagpabago sa akin, kahit nang malaman niyang may anak akong kambal, tinanggap pa rin niya ako.”

Andoy: “Kapag ako ang napili, mabibigyan ng pag-asa ang mga hindi nagkaka-girlfriend. Si Billie kasi ang first love ko at hindi ako nagsawang ligawan siya.”

Ethan: “Si Ethan maraming pinagdaanan sa buhay at sa love life niya, hanggang sa na-meet niya ang JEYA at si Billie.

She accepted me for what I am. Walang perfect sa mundo but si Billie ang perfect for Ethan. Saka si Ethan ang first love ni Billie.”

Jai: “Mag-isa lang si Jai dito, kaya he needs Billie in his life. Si Billie lamang ang nakakaintindi kay Jai.”

Billie: “As Billie, magiging part na ito ng history sa akin as Barbie na may apat na dyowa na walang katapusan ang panliligaw sa akin. Pero wala pa rin akong alam kung sino sa kanilang apat ang mapipili na makatuluyan ni Billie sa ending. Tuluy-tuloy pa rin ang taping namin hanggang sa final day namin sa Friday, June 23. Ang eksena, malalaman na lang namin ‘yon pagdating sa set.

“Pero ngayon pa lang, nagpapasalamat na po kaming lahat dahil sinamahan ninyo kami sa aming journey, sa isang simple story pero dahil din sa panonood ninyo ay nai-improve ang story sa tulong din ng mga writers namin na sumasakit ang ulo sa pagri-revise ng script at sa aming napakahusay na director, my friend, si Direk LA. Kaya sama-sama nating panoorin ang pagtatapos namin sa Friday, June 23.”

Para sa fans na nagtatanong, in-announce din sa presscon kung saan sila makabibili ng Meant To Be merchandise: sa PBA Cafe sa Metro Walk, Pasig City.