Cast ng 'My Dear Heart' sa Philippine Heart Center copy

SAMA-SAMA bilang isang pamilya na nag-abot ng tulong at pag-asa ang cast ng My Dear Heart kamakailan sa pagdalaw nila sa mga pasyente ng Philippine Heart Center bilang pasasalamat sa tagumpay na tinatamasa ng serye.

Tuwang-tuwa ang heart disease patients nang dalawin at personal silang kilalanin ng kanilang mga paboritong bituin ng My Dear Heart. Nagdala rin ng saya ang cast sa paghandog nila ng mga munting regalo na makatutulong para sa pamilya ng mga pasyente.

Dahil sa hirap na dinaranas ng mga pasyente, hangad ng cast ang patuloy nilang paggaling upang maipagpatuloy ang kanilang laban sa buhay at pangarap.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Samantala, gaya ng mga bata mula sa Philippine Heart Center, patuloy ding lumalaban si Heart (Heart Ramos) at ang kanyang pamilya.

Kumurot ang eksenang inilalahad ni Margaret na base sa kanyang kaalaman bilang doktor, wala nang pag-asang gumaling si Heart. Ngunit nasaksihan niya ang pag-ayos ng kalagayan ni Heart sa tuwing sasaya ito, na bumago sa kanyang paniniwala.

Dahil dito, sisikapin nilang tuparin ang kanyang listahan ng mga pangarap upang manumbalik ang dati nitong saya at lakas na mabuhay. Ngunit patuloy na magiging hadlang si Dok Francis na tuparin ang listahan ni Heart at hindi titigil hangga’t hindi natutuldukan ang buhay ng bata para makapaghiganti kay Margaret.

Mabuo kaya nila ang listahan ni Heart bago pa mahuli ang lahat? Oras na nga ba para sumama si Heart sa puting liwanag? Mahuli na kaya si Dok Francis?

Huwag palampasin ang huling linggo ng teleseryeng magpapaalala sa pusong magmahal, ang My Dear Heart, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable Ch 167). Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.