KRIS copy copy

LUMIPAD na kahapon si Kris Aquino papuntang Singapore para sa shooting ng Hollywood movie na ayaw mang banggitin ang title dahil hindi allowed, alam na ng marami na ang Crazy Rich Asians ito.

Sa pagpirma niya ng kontrata na itinaon nitong nakaraang Independence Day, sa Tagalog ang caption ni Kris at sabi niya, “Sa Araw ng ating Kalayaan, nilagdaan ko na ang kasunduan para sa proyektong katuparan ng pangarap na maging bahagi ng isang ‘major Hollywood movie’ (pasensiya na po, ang hirap hanapan ng Filipino translation...)”

Ang sumunod na litrato ni Kris ay nasa check-in counter ng airport na siya at ang sabi, “Thank you for the assistance @singaporeair. Hand carrying my costumes with me. Thank you @michaelleva_ & THE @michael5inco for truly making me gowns befitting a ‘princess’ -- yes flying to fulfil a dream. SHOOTING this week in Singapore. #ThankYouGod.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Batay sa post ni Kris, sina Michael Lleva at Michael Cinco ang gumawa ng costumes na gagamitin niya sa pelikula. Sa sinabing “princess” parang tama ang mga unang nasulat na prinsesa ng isang Asian country ang role niya sa pelikula na ayaw pang tukuyin.

Idagdag na rin natin ang ibinalita pa ni Kris na siya ang unang Filipino na magiging “bituin/bida ng @iflix.ph.”

Pagkabalik na siguro niya from Singapore gagawin ang pelikula para sa iflix.

Congratulations Kris at sana next time, free ka nang banggitin ang title ng Hollywood movie mo at ang role mo. Sana rin, i-announce na ni Kevin Kwan, author ng Crazy Rich Asians na kasama ka sa cast at ilagay na ang picture mo sa Instagram account nito. (NITZ MIRALLES)